Maligayang Araw ng Pagtatapos, City College of Calamba Class of 2026!
Ngayong araw ng inyong pagtatapos, dalangin ko ang inyong patuloy na tagumpay, mabuting kalusugan, at matatag na paninindigan habang kayo ay humaharap sa panibagong yugto ng inyong buhay. Nawa’y magsilbing gabay ang inyong mga natutunan upang maabot ninyo ang inyong mga pangarap at maging inspirasyon sa iba. Kalakip ng aking panalangin ang inyong pagkakaroon ng magagandang oportunidad at matagumpay na landas na naaayon sa mga kursong inyong tinahak—bilang bunga ng inyong sipag, tiyaga, pagpupuyat, at sakripisyong inyong pinagdaanan. Sa naging talumpati ni Senador Bam Aquino kanina, muli niyang isinulong ang adhikaing “Libreng Kolehiyo, Siguradong Trabaho para sa Lahat”—isang panawagang nagbibigay pag-asa sa mga kabataang Pilipino, lalo na sa mga nagsipagtapos mula sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba. Patuloy ninyong dalhin ang dangal ng pagiging isang Calambeño at gamitin ang inyong kaalaman upang makatulong sa ating komunidad at bayan. Muli, taos-puso ang aking pagbati sa inyo, City College of Calamba Class of 2026! (Nelson Dimapilis)



