PSA RSSO IV-A, MAGDARAOS NG REGIONAL FORUM SA CONSTRUCTION STATISTICS SA BATANGAS
LIPA CITY, BATANGAS — Magsasagawa ngayong Martes, Nobyembre 24, ng Regional Data Dissemination Forum on Construction Statistics from Approved Building Permits ang Philippine Statistics Authority o PSA Regional Statistical Services Office IV-A sa JET Hotel sa Lipa City, Batangas.
Layunin ng forum na maipresenta at maipalaganap ang mahahalagang estadistika hinggil sa mga aprubadong building permit sa CALABARZON, upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga stakeholder tungkol sa kalagayan, aktibidad at pag-unlad ng sektor ng konstruksyon sa rehiyon.
Inaasahang dadalo sa pagtitipon ang mga kinatawan ng media, regional line agencies, mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor. Sa pamamagitan ng mga datos na ilalahad, inaasahang higit na mapalalawak ang pag-unawa ng mga sektor sa kalakaran ng konstruksyon at makatutulong sa pagpaplano at pagsusulong ng kaunlarang pangrehiyon.