536 COLLEGE STUDENTS SA QUEZON, NAKATANGGAP NG TULONG SA ILALIM NG STAN C PROGRAM
Umabot sa 536 college students mula sa apat na bayan sa Quezon ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Strengthening Access to Education College Assistance Program o STAN C ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.
A total of 536 college students from four towns in Quezon received financial assistance under the Strengthening Access to Education College Assistance Program or STAN C of the Provincial Government of Quezon.
Personal na inilapit ni Governor Doktora Helen Tan ang programa sa mga estudyante mula sa Catanauan, Mulanay, San Francisco at San Andres sa isinagawang pamamahagi ng educational assistance noong Agosto 8.
Sinundan ito ng pagpapatuloy ng programa noong Agosto 9, 2026, sa Barangay San Jose Evacuation Center sa General Luna, kung saan muling inilapit ng pamahalaang panlalawigan ang tulong pinansyal sa mga college students sa nasabing bayan.
Layunin ng STAN C na makatulong sa mga estudyante sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral, kabilang ang mga bayarin at iba pang pangunahing pangangailangan. Sa pamamagitan nito, nais ng Pamahalaang Panlalawigan na mas mapalawak ang access sa edukasyon at mabawasan ang pinansyal na pasanin ng mga pamilyang Quezonian.
Bahagi ang programa ng patuloy na Healing Agenda ng administrasyon ni Governor Helen Tan, partikular sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng suporta sa edukasyon at naghahanda ng mas magandang oportunidad para sa kabataan ng Quezon.