TLI, NAGLAAN NG HALOS ₱100 MILYON PARA SA MGA PROYEKTONG PANGKOMUNIDAD SA QUEZON
Umabot sa siyamnapu’t siyam na punto pitumpu’t limang milyong piso ang pondong inilaan ng Therma Luzon Incorporated o TLI, bahagi ng Aboitiz Power Corporation, para sa mga programang pangkomunidad. Batay sa corporate social responsibility profile ng kumpanya, nakapagtala ito ng 114 na proyekto mula noong 2015.
Ayon Kay Mr Lou Jason Delegencia ang AVP ng Metro Manila and Southern Luzon for corporate services na kabilang sa mga benepisyaryo ang 113 iskolar sa ilalim ng TLI College Scholarship Program, siyam na libo anim na raan at animnapung senior citizen na naabot ng optical missions, at sampung barangay sa lalawigan ng Quezon. Saklaw ng mga programa ang kalusugan, edukasyon, kabuhayan at kahandaan sa sakuna.
Kabilang sa mga proyektong nakatala para sa 2026 ang programang pagkilala at suporta sa mga mangingisda sa Pagbilao, medical assistance sa Padre Burgos, scholarship programs at pakikilahok sa Brigada Eskwela. Layunin ng mga inisyatibang ito na makatulong sa pangangailangan ng mga komunidad na nakapaligid sa operasyon ng planta ng TLI sa Pagbilao, Quezon.
