GASOLINA, TATAAS NG HANGGANG P3.50 BAWAT LITRO; DIESEL AT KEROSENE, MAY PANIBAGONG ROLLBACK
Sasalubungin ng mga motorista ang unang linggo ng Nobyembre ng panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo, kung saan magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng gasolina habang inaasahan naman ang pagbaba sa presyo ng diesel at kerosene.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Energy o DOE, inaasahang tataas ng hanggang three pesos and fifty centavos per liter ang presyo ng gasolina.
Samantala, inaasahang bababa naman ng hanggang one peso per liter ang diesel, habang aabot naman sa one peso and ninety centavos per liter ang rollback sa kerosene.
Kapag naipatupad ang naturang price adjustment, inaasahang papalo sa P87.27 to P91.27 per liter ang gasolina; P93.46 to P94.46 per liter ang diesel; at P120.75 to P125.75 per liter ang kerosene, partikular sa National Capital Region.
Kadalasang ipinapatupad ang lingguhang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo tuwing Martes.


