“TAGHOY” ART EXHIBIT NI THEA MUJARES, BUKAS NA PARA SA PUBLIKO SA LUCENA CITY
LUCENA CITY, Quezon — Pormal nang binuksan sa publiko nitong Lunes, Hunyo 15, ang “TAGHOY,” ang ikalawang solo exhibit ng multidisciplinary artist na si Maria Cynthia C. Zamora, na ginanap sa Sangguniang Panlalawigan Building sa lungsod ng Lucena.
Sa pamamagitan ng kaniyang mga likhang sining, ipinapahayag ni Mujares ang panaghoy ng kalikasan sa harap ng patuloy na pagkakalbo ng mga kagubatan, pagkasira ng mga tirahan ng mga hayop, at lumalalang epekto ng climate change. Layunin ng exhibit na pukawin ang kamalayan ng publiko hinggil sa mga suliraning pangkapaligiran na kinahaharap ng bansa at ng buong mundo.
Tampok sa eksibisyon ang iba’t ibang obrang nagsisilbing paalala sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at responsableng paggamit ng likas na yaman upang mapanatili ang balanseng kapaligiran para sa susunod na mga henerasyon.
Samantala, bukas ang “TAGHOY” exhibit para sa publiko mula Hunyo 15 hanggang Hulyo 16, 2026 sa Sining Panlalawigan ng Quezon na matatagpuan sa Sangguniang Panlalawigan Office Building sa loob ng Governor’s Mansion Compound sa Lucena City. Inaanyayahan ang mga mahilig sa sining at mga tagasuporta ng adbokasiyang pangkalikasan na bisitahin at masaksihan ang mga obrang tampok sa naturang exhibit.




