IKA-53 PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG QUEZON, ISINAGAWA
Isinagawa nitong Lunes, Hulyo 13, ang Ika-53 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa Session Hall ng Kapitolyo sa Lucena City. Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng mahusay na pamamahala at mas epektibong paghahatid ng serbisyong pampubliko sa lalawigan.
Sa naturang pulong, tinalakay ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang iba’t ibang panukalang ordinansa, resolusyon, at iba pang hakbang na layuning mapalakas ang mga programa at serbisyong nakatuon sa kapakanan, kaunlaran, at pangangailangan ng mga mamamayan ng Quezon.
Patuloy namang isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan, ang mga polisiya at programang magpapabuti sa pamamahala at magbibigay ng mas mabilis at de-kalidad na serbisyo para sa bawat Quezonin.