Gov. Helen Tan, Naghatid ng Libreng Serbisyong Medikal sa 2,665 Residente ng Guinayangan
Umabot sa 2,665 residente ng Guinayangan, Quezon ang nakinabang sa programang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” na isinagawa noong Hulyo 19, 2026 sa Brgy. Arbismen. Sa pamamagitan ng programa, naihatid sa mga mamamayan ang iba’t ibang libreng serbisyong medikal upang matugunan ang kanilang pangangailangang pangkalusugan.
Sa ilalim ng patuloy na adbokasiya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, nagkaloob ng mga serbisyong tulad ng konsultasyong medikal, libreng gamot, at iba pang health services para sa mga residente ng bayan. Layunin ng programa na mailapit ang dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa bawat Quezonin.
Patuloy namang isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga programang nakatuon sa kalusugan bilang bahagi ng layuning mabigyan ng maagap at maayos na serbisyong medikal ang mas maraming mamamayan sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Quezon.

