Gov. Helen Tan, Nagkaloob ng STAN-C Assistance sa 582 Mag-aaral
Kabuuang 582 mag-aaral mula sa mga bayan ng Guinayangan, Gumaca, Plaridel, Atimonan, Pitogo, at Unisan ang tumanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Strengthening Access to Education College Assistance Program (STAN-C) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon noong Hulyo 19, 2026. Layunin ng programa na matulungan ang mga estudyante sa kanilang gastusin sa pag-aaral at mabawasan ang pasanin ng kanilang mga pamilya.
Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga programang nagbibigay ng suporta sa edukasyon upang mas maraming kabataang Quezonin ang magkaroon ng pagkakataong makapagpatuloy at makatapos ng kolehiyo. Bahagi ito ng adbokasiya ng pamahalaan na palawakin ang access sa dekalidad na edukasyon sa lalawigan.
Patuloy namang ipinapakita ng STAN-C Program ang pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na mamuhunan sa kinabukasan ng kabataan sa pamamagitan ng mga programang pang-edukasyon. Inaasahan na ang naturang tulong ay magsisilbing inspirasyon sa mga benepisyaryo upang lalo pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.