TIEZA COO Mark Lapid Honors Father Lito Lapid on Father’s Day
Sa pagdiriwang ng Father’s Day, ibinahagi ni Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid na ang kanyang ama na si Lito Lapid ang nagsisilbing huwaran at inspirasyon sa kanyang buhay.
Ayon kay Mark Lapid, isa sa pinakamahalagang aral na kanyang natutunan mula sa kanyang ama ay ang pagpapahalaga sa edukasyon. Sa kabila ng maraming responsibilidad sa pamilya at serbisyo publiko, tiniyak umano ni Senador Lito Lapid na mabigyan ng magandang edukasyon ang kanyang mga anak.
Bilang pagkilala at pasasalamat sa sakripisyo ng kanyang ama, inialay ni Mark Lapid ang kanyang pagtatapos ng noong 2024 ng Doctorate in Business Administration sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila bilang espesyal na regalo para sa Father’s Day ng taong iyon.
Aniya, ang kanyang tagumpay ay bunga ng gabay, pagmamahal, at walang sawang suporta ng kanyang ama na nagsilbing inspirasyon upang magsikap at maglingkod nang tapat sa bayan.Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ama, binigyang-diin ni Mark Lapid ang kahalagahan ng mga ama bilang haligi ng tahanan at gabay ng pamilya.