GOVERNOR HELEN TAN PINARANGALAN ANG 10 BAGONG RESIDENT TRAINEES NG QPHN-QMC
Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa hinaharap ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan, isinagawa nitong Lunes, Hunyo 22, ang pagbibigay ng insentibo sa sampung (10) bagong resident trainees ng Quezon Provincial Hospital Network–Quezon Medical Center (QPHN-QMC). Layunin nitong kilalanin ang kanilang dedikasyon bilang mga bagong katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa patuloy na paghahatid ng serbisyong medikal para sa mga Quezonian.
Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang nasabing pamamahagi ng insentibo bilang bahagi ng tuloy-tuloy na suporta ng pamahalaang panlalawigan sa paghubog ng mga susunod na henerasyon ng mga medical professional. Ayon sa pamahalaan, mahalaga ang ganitong hakbang upang palakasin ang kapasidad ng mga ospital sa lalawigan at mas mapahusay pa ang serbisyong pangkalusugan.
Ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa patuloy na pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan sa dedikasyon at sakripisyo ng mga healthcare workers. Layunin din nitong matiyak na ang bawat Quezonian ay makatatanggap ng de-kalidad, makatao, at accessible na serbisyong medikal sa pamamagitan ng mas pinatatag na provincial hospital network.




