Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, Nakiisa sa 2nd Quarter NSED 2026
Pinangunahan ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Quezon Provincial Emergency Response ang pagsasagawa ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Hunyo 18, 2026. Nakiisa rito ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon bilang bahagi ng patuloy na paghahanda sa posibleng lindol at iba pang uri ng sakuna.
Isinagawa ang naturang pagsasanay upang mapalakas ang kamalayan, disiplina, at kahandaan ng bawat empleyado sa tamang pagkilos sa oras ng emergency. Sa pamamagitan ng regular na earthquake drills, naipapaalala ang mahahalagang hakbang tulad ng tamang paglikas at pagsunod sa mga safety protocol upang mabawasan ang posibleng pinsala.
Binigyang-diin ng mga namuno sa aktibidad na ang pagiging handa ay isang mahalagang susi sa pagprotekta ng buhay at kaligtasan ng mamamayan. Ang patuloy na pakikibahagi sa mga ganitong pagsasanay ay bahagi ng layunin ng Pamahalaang Panlalawigan na magkaroon ng mas ligtas at mas handang komunidad sa panahon ng kalamidad