Matagumpay na isinagawa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng Quezon ang huling araw ng Orientation/Workshop on Child Budget and Expenditure Tagging and Tracking (CBETT) for Civil Society Organizations nitong Huwebes, Mayo 28, sa St. Jude Cooperative Hotel and Event Center sa Brgy. Isabang, Tayabas City. Pinangunahan ito ni Ms. Norliza N. Labitigan, PGADH at Acting PSWDO, kasama sina UNICEF Philippines Social Policy Specialist Ms. Lea Marasigan at mga kinatawan ng Social Watch Philippines.

Tinalakay sa aktibidad ang People’s and Child Participation in CBETT, PF4C strategic plans para sa taong 2026, at ang Action Planning for Quezon Province. Layunin nitong mapalawak ang kaalaman ng mga kinatawan ng Civil Society Organizations hinggil sa wastong Child Budget and Expenditure Tagging and Tracking upang matiyak na epektibong napapakinabangan ng mga bata ang mga programang inilaan para sa kanilang kapakanan.

Ayon sa PSWDO, bahagi ang aktibidad ng patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa mga programang nagtataguyod sa karapatan, proteksyon at kapakanan ng bawat batang Quezonian. Inaasahan ding magpapatuloy ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa iba’t ibang sektor upang higit pang mapalakas ang mga serbisyong nakatuon sa kabataan. (Sol Luzano)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *